10 Faceless Youtube Channel Ideas for 2023

Spread the love


Watch video for clearer more detailed explanation.

Hindi mo kailangan maging artistahin para maging Youtuber, dahil pede kang sumikat ng hindi nagpapakita ng Mukha. Ano man yung dahilan mo kung bakit ayaw mong magpakita ng Mukha sa Youtube, Mahiyain ka man or dahil marami kang pinagtataguan dahil sa utang, pede ka pa rin kumita sa Youtube.

Dahil pede ka naman gumawa ng mga video na hindi nagpapakita ng mukha. Kung wala ka pang naiisip na tema ng Youtube channel mo dahil ayaw mong magpakita ng Face! Bibigyan kita ng idea: Bibigyan din kita ng sample channels at kung magkano ang kinikita nila.

Eto na yung mga Youtube Channel Ideas na hindi kinakailangan magpakita ng mukha.

1. Gaming Channel, Hindi mo kailangan magpakita ng Mukha dito, screen lang ng nilalaro mo ang kailangan dito, pede ngang hindi ka na magsalita din, pero syempre mas Ok kung may salita. Kung may mukha, ok din naman, pero may mga manunuod na ayaw ng mukha dun sa screen, minsan kasi may natatakpan data or eksena, at gusto nilang magfocus dun sa pinapanuod nilang game, ma pa walkthrough man yan or dahil napakagaling nun naglalaro.

Panoorin nyo tong si Dream, ilan taon na syang faceless yung videos nya, pero this year lang nagpakita na sya ng mukha, siguro may bigatin syang isponsor na required sya magpakita ng mukha para ma-endorse yung product nila. Lintek sa dami ng subscribers oh,
at padami lang yan ng padami. Eto naman yung estimated na kinikita ng Channel nya.

Suggestion to all gamers, irecord nyo na yang mga games nyo at iupload nyo, may video ako para dyan mara magkaviews agad yung uploads nyo. Hindi man kayo kikikita agad, pero malay nyo, may mga fans na pala kayo.

2. Top 10 Videos, or top 5, or Top 100 pa yan, mas ok kung walang mukha dyan. Magcompile ka lang ng sampu sa mga gusto mong topic, halimbawa. Top 10 Upcoming Movies, Top 100 Animes, Top 10 Sampalan, Top 5 Highest Earning Youtuber. Magpapakita ka lang ng video clip or pictures ng mga kasama sa Top, tas gawan mo ng slide show.

Stay put ka lang dito sa channel ko, by subscribing para mapanood mo yung mga susunod kong video tutorials para dyan. Eto yung sample, tignan nyo naman kung magkano na ang kinikita nito.

3. Cooking show, yes hindi mo kailangan magpakita ng Mukha or kahit katawan sa pagluluto, mga kamay mo lang at sandok, kawali, kaldero at mga ingredients na kailangan ang ipakita. Kung ayaw mong magsalita pede rin, lagyan mo na lang ng captions!

Yung English! para buong mundo pede mong maging audience at pagkakitaan. Etong example si Sangkap pinoy, hindi naman sya nagpapakita ng mukha dati, pero siguro kinailangan din nyang magpakita para may extra income sa sponsorship ng mga product na may kinalalaman sa pagluluto.

4. Documentary, gawa ka ng documentary kung may pagkanewscaster ang dating mo, or frustrated journalist ka, or curious ka lang talaga sa topics na napili mo. Napakaraming ganyan sa Youtube, pero napakarami man, hindi pa rin ganoon kalaki competisyon dyan. Dahil syempre ibat-iba ang mga topics nila. Pili ka ng topic na gusto mo para magenjoy ka sa ginagawa mo.

Eto yung sample. Kita.

5. Music, kahit isang picture lang pede na dito, ang importante kasi audio, dapat original at maganda yang music mo. Pag orig yan at nagustuhan ng iba pang youtuber yung music mo, at ginamit nila sa kanilang videos, ikaw ang kikita sa mga videos na ginawa nila na may Music mo. Dyan papasok si Content ID.

Mejo malawak yan topic na yan, kaya wag na natin gawin complikado!
Sa susunod na video na lang yan.

Eto yung mga sample, kita.

6. Motivation videos, maraming nanunuod nyan, at karaniwan nanunuod nyan mga gustong magsipag sa work or studies, but mostly work. Kaya malaki kita dyan kasi daming mamahalin na ads din dyan na target market ay yung mga businesses at working class.

Yung iba sa mga channel na yan nag compile lang ng mga motivation quotes or success quotes at nilagyan ng image slider, at magandang voice over. Ayun kumikita na.

7. Tutorials, Mostly yung paggamit ng Apps pero pede rin hindi tulad ng pag-alaga ng halaman, pananahi atbp. Pero mas madali yan kung apps ang itinuturo mo, tulad ng Graphic design apps tulad ng Photoshop, Illustrator or Corel draw, Yung mga Microsoft office apps like excel, Words or powerpoint, Mga Video editing softwares, Website and SEO tutorials ang dami nyan, at mas Ok dyan kung walang mukha sa screen, para walang distraction.

So anong alam mong gawin? I-share mo naman, upload mo na yung videos turuan mo kami.

8. Arts and Crafts – Mahilig ka ba sa arts, painting, sculture, architecture or Crafts na alam mo like, Tatoos, Woodcarving, crafts using recycled stuff. I video mo lahat yan, makakatulong ka na pede ka pang kumita.
Eto yung samples. Eto yung kinikita.

9. Animation – Animation? hindi mo kailangan mag 3d render pa ng mga characters at settings or manga style drawing, kahit ganito oh pede. Stick lang. Tignan nyo naman yung views neto. Simpleng

10. Kids Videos – Eto ang pinaka maraming views sa lahat, gawa ka ng video ng pambata, ng hindi nagpapakita ng mukha or pinapakita yung mga kids mo or pamangkin mo, laruan lang ang kailangan. Tignan mo yung mga subscribers nito? At eto ang kinikita nya, eto pa isa oh. Para lang syang naglalaro, yung iba dyan naglalaro lang talaga kinukuhanan lang ng video ng taytay or nanay nila.

So ano pang hinihintay nyo, magsimula na kayo.

Suportahan po natin ang Lokal na Tubero, i-Like and subscribe.

Latest from my Channel

Recent Posts