7 Libreng Resources na Kailangan mo sa Pag-edit ng Video

Spread the love


Video editor na libre, Youtube Thumbnail creator na libre, Libreng videos na walang copyright, libreng music na walang copyright, sound effect na libre, Voice recorder app na libre, voice changer app na libre, soundboard na libre, lahat ng ipapakita ko dito 100% libre! Ito lang kakaialanganin mo para makagawa ka ng magandang video at hindi mo kailangan magbayad.

share ko lahat ng mga libreng resources na ginagamit ko sa paggawa ng videos or image para sa Youtube.

At syempre, lahat ng tutorial ko dito ay libre! kaya subscribre na!

Ok simulan na natin, unang una sa listahan natin ay Video Editor na libre, at yan ay ang Davinci Resolve. Eto ang ginagamit ko sa pag edit ng mga videos. Napakaganda nitong App na to at ang pinakamaganda dito ay magagamit mo ng walang bayad, at hindi sila nag iiwan ng watermark dyan sa finish project mo, hindi gaya ng ibang app na, libre nga pero may watermark naman ang naproduce mong video, pangit pag ganun, masisira branding mo sa Channel mo.

Paano ba idownload at install to! Simple lang, so punta ka lang sa website na to, i-Google mo lang Davinci Resolve Download, click mo yung unang result ang website nya ay blackmagicdesign.com.

Sya nga pala, pang Windows PC or Mac lang itong app na to. Just download and install, that’s it. Meron nga palang paid or premium version nito, pero yung libre sapat na sa mga bagong creators or kahit sa pro film maker pede din tong free version nila.

Magcomment kayo sa baba please, kung gusto nyo na gumawa din ako ng Tutorial tungkol sa Da Vinci Resolve. Para malaman ko kung maraming interesado na matutunan to.

Libreng Pang edit ng photos or panggawa ng thumbnail, Adobe Express! Napaka simpleng gamitin. May template sya para sa mga social media, at isa na don ang Youtube Thumbnail. Para syang Photoshop na pinasimple. Meron ka pang mga templates na pede mong magamit para mas mapabilis yung pagdesign mo ng Youtube thumbnail mo.

Tulad ng Davinci Resolve, may premium version din to, pero hind mo kakailanganin yan, ang nadagdag lang sa premium ay additional na Templates, some advance editing feature at access sa kanilang stock-photo library at Online storage.

Browser base sya kaya wala ka ng idodownload at install, mag sign up ka lang. Punta ka sa adobe.com/express para mag sign up. or search mo sa Google at click mo yung unang result, yung adobe.com yung website.

Libreng Voice Recorder, ang Audacity, may mga settings na magpapaganda ng boses mo dito. At pede rin nya irecord ang lahat ng tunog sa kahit saang website. So pede kang magdownload ng sound effects or music para sa video mo. Gawa ako ng separate na video para dyan. Search nyo lang sa Google, Audacity Download para mapunta kayo sa website na to para madownload nyo yung installer file.

Libreng voice changer, voice enhancer, background music at soundbox na App. Maganda to pang live stream, pero pede rin pang record. Sa website nila meron mga libreng sound effects na pede mong idownload.

Sa app naman meron Voice Box kung saan pede ka magpalit ng boses.
Soundboard kung saan pede ka mag play ng mga soundfx habang nagrerecord or live stream
Voicelab kung saan pede mo timplahin ang gusto mong boses. Meron nga pala itong paid version din, kung saan magkakaaccess ka sa lahat ng klase ng voice changer meron sila.

Meron nga pala akong Premium version nito, na nabili ko sa murang halaga. Gagawa ako ng Review ng Voicemod, para mas makita nyo kung gaano galing tong app na to at kung worth it mag upgrade.

Pexels.com, tama punta ka lang sa pexels.com, at makakakuha ka na ng mga images at videos na pede mong magamit sa videos mo, wala ng signup na required at libre lahat ng images dito.

Sa pixabay naman, halos lahat ng klase ng downloadable content meron sila. meron silang Music, Sound effexts, images, videos at vectors. Napakalaking tulong nitong website na to sa mga creator na naghahanap ng libreng video clips at sound effects dahil ang dami mo talagang pedeng mapili dito.

Bonus ako sa inyo dahil umabot kayo dito.
Dito makakakuha kayo ng mga rare sound effects.
https://www.myinstants.com/
http://soundfxcenter.com/
Para syang soundboard na sobrang laki ng database pagdating sa sound fx, makukuha mo dito mga lumang soundfx ng games or movies or tv series.

Kung nagamit nyo ang kaalaman na aking shinare dito, like naman at subscribe na din, click the notification bell, para sa mga coming soon kong videos.

Latest from my Channel

Recent Posts