CASHCOW CHANNEL STEP BY STEP TUTORIAL – WALANG GINAGAWA PERO KUMIKITA SA YOUTUBE!

Spread the love

Eto nanaman tayo! ang Episode 2 ng ating kumita sa Youtube kahit tamad series.
Previosly on Pedro Tubero, ang episode natin ay Kumita sa Youtube kahit walang video.
Ngayon mas malupet! Kumita sa Youtube kahit walang ginagawa! Ang malupit nyan, hindi ito click bait! Totoo po, at i-tuturo ko sa inyo yan kung papaano.

Bago ang lahat may mga i-eexplain muna ako para mas ma-magets nyo kung paano systema nito.

Ano ang cashcow, paano kumita dito at magkano ang pedeng kitain dito.

Ang cashcow ay ang youtube channel na walang ibang purpose kundi kumita ng pera. Yung may ari ng channel ng mga to ay walang balak gamitin ang youtube channel na yan para sumikat, gusto pa nga nila anonymous or hindi kilala, kaya ang mga cashcow channels ay Faceless Youtube channel din. Ang gusto lang nila ay gatasan si Youtube, kaya nga cashcow.

Maraming gumagawa nito dahil sa laki ng kita dito, isa itong business model na pede kang kumita ng 1 milyong piso oh higit pa kada bwan ng konti lang trinatrabaho or pede ding wala ka ng gagawin dito.

Maraming paraan para kumita sa Youtube tulad ng pag endorso ng products, pag promote ng affiliate links, magpromote ng business or service pero yung cashcow ang gusto lang niya ay kumita lang sa mga ads na pinapakita ni Youtube. Ibig sabihin ginawa tong Cashcow Channels para lang sa Ads Revenue ng Youtube.

Maraming klase ng cashcow at maraming paraan kung paano ito gawin.
Bigyan ko kayo ng mga examples:

Anime Recap
Kung saan sinusumarize ang isang episode or minsan isang season ng anime.

Movie Recap
Sumarize naman ng buong movie.

Top Videos
Halimbawa nyan ay top 10 scariest places on earth, top 5 upcoming movies, top 50 RPG of all time at marami pang iba.

Information Videos
Kung saan nagbibigay ng kaalaman, halimbawa nyan ay kaalaman tungkol sa ibat ibang breed ng Aso or pusa, tulad nito:

Pede ka rin magturo tungkol sa kaalaman mo sa kotse, motor, barko, eroplano, tanke, fighter jets, gera, lugar, history at iba pang mga Facts!Story Telling
Halimbawa dito ay strange things caught in camera! Kung saan maglalagay ka ng CCTV footage at ikwento mo kung anong nangyari. Pede ka rin magimbento ng storya at gawin itong kapanipaniwala.

Pedeng nakakatakot na istorya tungkol sa paranormal tulad ng multo, aswang or aliens.

Book Summary
Summary mo yung mga sikat na book, or explain mo lang yung mga parts lang na pinaka importante.

Documentaries
Kung mga Mala-Jesica Soho ang tipo mong mga videos pedeng-pede to. Documentary tunkol sa buhay ng isang bayani, bilyonaryo, kriminal, misteryosong lugar at iba pa, bahala ka na dito kung saan ka interesado.

Kontroversial Videos
Tulad ng mga videos na nagtrending or sumikat kung saan i-explain mo lang ang mga pangyayari dito. Karaniwan dito may kasamang artista, or scandals or extra-ordinaryong pangyayari na nangyari sa ordinaryo or sikat na tao.

Productivity Music, or Focus and Meditation Music
Gawa ka ng Meditation Music Video meron akong video kung paano gawin to.

Motivation Videos
Kung saan magcompile ka lang ng mga motivational quotes or nagkwento ka tungkol sa success story ng sikat na tao.

Pedeng pede mong gawin to, may mejo mahirap gawin, may madaling gawin, may konti lang gagawin at may walang gagawin, ituturo ko yan sa inyo, actually meron na akong video na nagtuturo ng isa sa mga cashcow channel, at balak kong gumawa ng series or playlist na magtuturo kung paano gawin ang lahat ng klase ng mga You cashcow channels.

Kaya mag subscribe na kayo para malaman nyo kung may bagong Cashcow videos akong lumabas, click nyo yung notification bell para manotify agad kayo.

Automated din dapat ang cashcow or konting trabaho lang dapat, passive income dapat to, parang may baka ka, na pinabayaan mo sa damuhan, na ang trabaho mo lang ay gatasan pagkailangan or kolektahin yung pera mula sa gatas na binenta at kinolekta ng tauhan mo na nagaalaga ng baka mo.

Para maging passive income ang Youtube cashcow channe l, kailangan mo nga lang mamuhunan, kailangan mo ng tauhan na gagawa nito para sayo.

Syempre, pwedeng ikaw na lang gumawa kung mas marami kang oras kesa sa puhunan.

Ang Salitang Cashcow ay isang business term, na kung saan kumikita ng passive income ng maliit lang investment, yung ibang cashcow maliban dito sa Youtube Cashcow Channel, ay ang… halimbawa, isang investment na puro pataas lang at hindi pababa, may mga nakakatsamba ng ganun, pero syempre hindi habang buhay yan mga yan, meron tinatawag na recession or panahon ng depression na halos lahat ng investment bumababa yung iba bumabagsak pa nga.

Summary natin yung proseso sa pag gawa ng Youtube cashcow channel.

Mag isip ng idea, ikaw ang gagawa nito, mag isip ka ng topic at title para dito.

Then ipapagawa mo yung script para sa title na naisip mo, pagkatapos mong ipagawa to,
Ibibigay mo yung script sa gagawa naman nung voice over. Tapos nyan ibibigay mo yung voice over sa gagawa ng Video. Tapos ipapakita mo yung video sa gagawa ng Youtube thumbnail.

Tapos nyan kolektahin mo na yung mga finished product, yung video na kumpleto na, may voice over, with sound effects ang background music at yung Youtube thumbnail.

Ikaw mag uupload ng mga yan, tapos i-u-upload mo din yung script para sa caption or CC ng video.

Ang pinaka trabaho mo lang dito ay mag isip ng idea para sa video na gagawin at mag upload ng videos, at Thumbnails sa Youtube at imanage yung channel. Ayan yung tinutukoy kong konti lang ang ginagawa.

Yung sa mejo mahirap gawin, ikaw lahat ang gagawa nyan, yung script writing, voice over, video editting at uploading.

Yung madaling gawin, ay may binabayaran kang tao na gumawa ng isa or dalawa sa mga trabaho na to, yung part na nahihirapan ka. Ang mahirap sa akin script writing at video editting, so pag-iba na gumagawa nyan para sa akin. Mapapadali ang paggawa ko ng Youtube Cashcow.
At Eto naman, yung walang gagawin.

Pede mong ipagawa lahat yan, pero mas malaki ang gastusin syempre. Tsaka matinding tiwala sa magmamanage ng channel mo. Ang tawag sa taong yan na magmamanage ay ang Cashcow Manager. Sya na lang babayaran mo at igagawa ka nya ng mga videos at i-uupload nya na din para sayo, kasama na yung mga paggawa ng titles, thumbnails, descriptions, tags at iba pa. Si Cashcow Manager na din ang maghi-hire ng gagawa ng cashcow videos mo. Kaya wala ka ng gagawin.

Magandang careerin din yan Cashcow Manager, may mga naghahanap nyan sa Upwork, Fiverr at Google. Samahan mo pa ng video editing skills at mga kaalaman sa pag gawa ng scripts, pag gawa ng Youtube thumbnails, hindi ka na mawawalan ng trabaho.

Eto yung proof na meron talagang profession na Cashcow manager. Eto yung sa Fiverr, ang fiverr.com ay website kung saan pede kang magbenta ng servisyo, ayan oh ang daming cashcow manager dito, at yung iba dyan malalaki na ang kinita. Yung iba ang ginamit nilang keyword eh Youtube Channel Manager, mas specific nga lang yung Cashcow manager, kasi pag sinabing Youtube Channel Manger, kahit yung Youtube channel para sa brand or business mo sakop din nila.

Sa Upwork.com naman, parang fiverr din yan, pero pede kang bayaran per hour or per ora dito. Dito nga pala ako madalas kumita sa Upwork. So ayan ang daming naghahanap ng cashcow manager dito.

Sa Upwork at Fiverr ka rin makakakuha ng script writer, video editor, thumbnail creator at voice over.

At least kailangan nyo malaman yang mga yan, bago kayo maghire ng Cashcow Manager, kung sakali mang meron kayong puhunan para sa Cashcow Channel na walang ginagawa.

On the way na yung isa ko pang video tungkol sa kung paano gumawa ng Cashcow channel kung wala kang puhunan, kung ikaw lang ang balak gumawa ng lahat ng mga yan. May mga tricks dyan para mapadali trabaho, i-share ko din yan.

Gagawa din ako ng Playlist para lang sa Youtube cash cows, para maituro ang paggawa ng mga cashcow channels na nabanggit ko kanina sa example ko. Kaya subscribe na ng isa kayo sa mga unang makapanood.

Latest from my Channel

Recent Posts