Generate Youtube Subscribers ( No Uploading )

Spread the love

May mga paraan para mapadami ang subscribers kahit hindi nag uupload ng bagong video. At and isa dun ay ang pag-aayos at pagpapaganda ng iyong Channel page.

Hindi lahat ng subscribers ay nang gagaling sa subscribe button na galing sa baba ng iyong video doon sa video watch page.

Marami rin ang nanggaling sa channel homepage, kaya ayusin natin yun.

Channel Banner or Channel Cover

Important ito, dahil ito ang unang-unang nakikita ng iyong viewer, pag-nagpunta sila sa iyong channel.

Dito makikita ng husto ang iyong branding, kaya gumamit ka ng tema dito at pagandahin.

ilagay mo din yung mga words, phrases or sentences na mag iin-ganyo sa viewers mo na pindutin ang subscribe button sa page na ito.

Gawin mo lang maikli, i-outline mo lang.

Video Trailer, or Featured Video

Dalawa yan, isa mga bagong views at isa para mga nagbabalik or returning viewers.

Ilagay mo na dyan yung pinaka ok mong video, yun bang pinaka proud mong creation. Para makita ng mga viewer mo kung gaano ka-ok yung mga videos mo.

Short Description

Next ay ang short description, pede kang maglagay ng mga keywords mo dito na magde-describe kung tungkol saan ang iyong channel at mga videos.

Isulat sa language ng mga target audience mo, then translate mo na din sa English.

Gumamit ng ChatGPT or Google Translate para mas mapadali ang trabaho.

Video List

Organize natin to para mas madaling makita ng mga viewers natin ang video na hinahanap nila sa channel page natin.

Tulad nitong ginawa ko.

Yung mga popular videos ko ay nilagay ko sa unang-unang row.

Then sa baba yung ginawa kong playlist para sa “Content Creator Resources”

Sumunod dyan ay ang playlist ko ng “Youtube Tagalog Tutorials”

At sa baba ay ang mga Youtube shorts ko, na sa tingin ko ay less important compare dun sa mga long form videos ko.

Pero dipende sa inyo to, kung ano yung pinaka importante nyong videos, yung mga nagbibigay sa inyo ng subscribers, views at revenue, ilagay nyo dun sa taas, na syang pinaka madaling makita.

Conclusion

Lahat ng mga yan ay magagawa nyo sa Channel customization page.

Bigyan ng oras at effort ang iyong Youtube Channel page, dahil marami sa mga viewers ng video mo ay interesado dito at gustong malaman kung tungkol saan ang mga videos mo. Habang tumatagal, dumadami ang mga subscribers mo na nag mumula dito.

Latest from my Channel

Recent Posts