Paano Kumita sa Youtube Kahit Walang Video
Paano nga ba tayo kikita sa Youtube kahit wala tayong video? Ang pinag uusapan natin dito ay dolyares, libo-libong dolyares! Yes, one thousand to 17 thousand US Dollars. Ganyan kalaki ang pedeng kitain sa Youtube kahit na wala kang ginagawang videos.
Ituturo ko sa inyo ang step by step na paraan kung paano yan ginagawa. Ginawa kong tagalog para pinoy lang makakaalam. Isa lang to sa mga alam kong paraan kung paano kumita sa youtube ng walang videos or walang filming.
Nakakita ka na ba sa youtube ng Picture lang tas may sound? Tapos sobrang dami ng views? Parang madaling gawin di ba? Actually, madali lang kung alam mo ang mga dapat gawin. Dapat alam mo din kung ano ang mga bawal para hindi masayang trabaho mo.
Eto na, simulan na natin! Kung napagtanto nyo, ang sikreto dito ay music, pero paano tayo kukuha ng music na hindi tayo maco-copyright?
Simple lang, E di gagawa tayo ng original music natin! What! Paano naging simple yun hindi naman ako composer, happy birthday lang alam mong tugtugin sa organ.
Walang problem, kasi gagamit tayo ng A.I. or artificial intelligence. Tutulungan lang natin tong A.I na magproduce ng music na gusto natin.
Sa video na to gagawa tayo ng meditation or focus music. Kailangan natin ng pang record na App, Gagamit tayo ng PC dito, pero pede din itong gawin gamit ang mobile phone, pero sa next video ko na yan ituturo. Kaya magsubscribe kayo kung cellphone lang ang balak nyong gamitin.
Kung wala pa kayong app na to, idownload nyo na libre lang to, Audacity – Meron akong tutorial tungkol sa Audacity, kung napanuod nyo na yung video kong yon, malamang alam nyo na kung saan natin gagamitin to, at yun ay pang record ng sound.
Eto instruction kung paano idownload.
Ok, so meron na tayong recorder na app. now punta naman tayo sa mynoise.net, dito gagawa tayo ng sarili natin na meditation music.
Gusto ko yung pampakalma na music, Piliin natin tong Japanese Garden
dahil pede nyong baguhin yung mga sounds na bumubuo sa music na to, nagiging Uniq sya, so walang copyright claim, kasi nga original mong music yan.
Eto yung mga individual na tunog na maririnig mo sa music or noise na napili natin. Eto para sa Waterfall, sa tunog ng hangin, bamboo leaves at kung ano ano pa, bahala na kayo mag timpla, eto yung gagawin kong sound. Lakasan nyo yung ibang sounds, hinaan nyo yung iba or i-mute or disable nyo naman yung iba.
(Shout Out nga pala)
Pag-maganda na sa Pandinig nyo or tama na ang timpla, irecord na natin. Gamitin na natin yung Audacity.
So sa Audacity, click natin yung Edit, tas preferrences, sa Devices palitan natin yung host ng Wasapi tapos piliin natin yung device kung saan nagpla-play ng sound. Eto yung device or port kung saan nakasak yung Speakers or Headphones mo.
Tapos sa Channels piliin natin stereo, para both left and right speakers are working. Kasi pag mono, left lang or right speaker lang ang gumagana.
Malalaman nyo kung gumagana sya at nagrerecord na, pag gumagalaw tong wave length.
So ayan, iwan lang natin sya ng kung gaano natin katagal gusto gawin yung meditation music natin, ako ok na sa akin yung 10 Minutes, kasi, average na yon haba na yon para sa mga nag-memeditate. Pero nasasainyo yan, pede nyong gawin masmahaba or masmaikli, yung iba nga 10hours. Basta bahala na kayo sa tagal nyo aantayin.
Yung sound lang ng PC ang marerecord, kaya pede kayong mag-ingay.
10 Mins Later!
Tapos na! i-save na natin.
Ngayon naman kukuha tayo ng picture na gagamitin natin, yung nababagay sa Medition Music natin.
Punta ngayon tayo sa Pexels.com, isa lang yan sa mga pinagkukuhanan ng libreng image na walang copyright, meron akong video kung saan pa kayo pede makakuha ng libreng pictures, check nyo din yan.
So sa pexels.com, nag search ako gamit ang keyword na “Meditate” at eto ang napili ko.
Etong Picture tsaka yung sound na nirecord natin, i-convert natin sa Video, so convert to video hindi tayo gumawa, so hindi to click bait ha. (Lol)
Gagamit tayo ngayon ng video editting app, Da Vinci Resolve gagamitin natin, dahil libre lang sya, kaya lahat ng may computer, may access sa App na to.
So dito sa Davinci Resolve punta tayo sa edit tab, at i drag and drop lang natin yung napiling image at yung ating sound recording dito sa timeline.
Tapos extend natin yung image sa timeline, ipantay natin sa haba ng ating meditation music or noise.
Tapos nyan irender na natin, wait lang ng konti, yung haba ng pag render ay dipende sa bilis ng Computer mo.
Upload na natin sa Channel para malaman na din kung Unique nga at walang copyright claim yung meditation music natin.
Wait lang natin maup-load at ma-process.
Ayan na tapos, dun nga pala sa processing automatic nagchecheck na si Google kung may copyright claim yung video or may kaperahes syang video clip or sounds.
Ok na, ayan oh nacheck na ni Youtube, at malinis! no copyright claim, good to go!
Yung image na ginamit nyo yun na lang din ang gamitin natin sa Thumbnail, Tas maglagay na lang tayo ng interesting na title, like 10 Minutes Meditation – Absolute Stress Releaf Healing Music
Lagyan mo na rin ng Descriptions and Tags para dito mo maisingit yung mga search term or keyword para mahanap sa Youtube yung video mo.
Ok na! Kung babalik kayo sa mynoise.net makikita nyo na hindi lang iyan ang pede natin kunin na sound may iba pa.
May Cafe Retaurant, para feeling nyo nasa Cafe kayo nagwowork.
Rain on A Tent, magandang pampatulog yan.
Examination Time, Pang focus sa pag aaral para sa nalalapit nyong exam.
Simulan nyo ng gawin, baga pag dumami gumagawa nito, mahalata na ni Noise.net at tanggalin na yung free access.
Go go go!
Subscribe mga idol para sa mga susunod ko pang mga videos at para na rin madali nyong mabalikan tong video na to, kung sakaling gagawin nyo na.